Mga Post

BALITA

Imahe
SDS DAGATAN,   IPINALIWANAG ANG KAHALAGAHAN NG DYORNALISMO SA INCLUSIVE EDUCATION ni JR. Arnold Ygay  “It is our hope that you can promote inclusive education through campus journalism.” Ito ang pahayag ni Cebu City Schools Division Superintendent Dr. Bianito Dagatan sa ‘mini press conference’ ng Collaborative Desktop Publishing Region VII na may temang “Embracing ASEAN Integration: Campus Journalists Role in Advancing Inclusive Education”. “The theme mentioned about inclusive education and campus journalism, prove to the world that the outputs of the campus journalists will reflect the kind of education given to you,” sabi ni Dagatan. Idiin din ni Dagatan ang kahalagahan ng dyornalismo. Ayon pa sa kanya ang dyornalismo ay isang paraan upang mahasa ang potensyal ng mga batang manunulat.  "No man is an island. Meaning we are a border-less community. We embrace ASEAN so that nobody will be left behind. In inclusive education it means education for all, meani

OPINYON

Imahe
-------------------------------------- - EDITORYAL - CAMPUS JOURNALISM:  Tulay sa Bagong Buhay Sa kasalukuyang ginaganap ang Regional School Press Conference (RSPC), binibigyang diin ang kahalagahan ng mga campus journalists sa pagtaguyod ng inklusibong edukasyon sa pamamagitan ng integrasyon sa ASEAN. Sa ibang salita, ang campus journalism ang magsisilbing tulay patungo sa mas maganda at bagong buhay nating mga Pilipino.  Isa sa mga pangunahing priyoridad ng integrasyon sa ASEAN ang pagbibigay ng inklusibong edukasyon. Ang mga campus journalists ay may malaking papel sa pagsulong nitong komprehensibong edukasyon para sa lahat. Ang campus journalism ay parang isang laboratoryo kung saan napapabuti ang functional literacy o ang kakayahan ng tao sa pagbasa, pagsulat, pagiging malikhain at pag-isip ng kritikal. Ito ang nagmumulat sa mga mag-aaral na maging isang instrumento sa paglago ng ating bansa. Ngunit ano ba talaga ang papel ng mga campus journalists sa

KOMUNIDAD

Imahe
------------------------------------------ Bhinneka tunggal-ika ni Juliet Villamor Ang pag-inog ng mundo ay paiba-iba, kadalasa’y hindi nagtatagpo ang mga bagay-bagay at minsa’y hindi nagkakasalubong sa gitna. Minsan rin, may mga pagkakataong nasa ibaba at mayroon ding nasa itaas katulad ng sa gulong. Sa bawat tama ay may katumbas na mali, ang lahat ng oo ay may hindi, ang lahat ng mga bagay ay may pagkakaiba’t kasalungat na pangyayari.  Magkaiba man ang ating mundong ginagalawan, may mga pagkakataon pa ring tayo ay nagkakapit-bisig at nagkakaisa tungo sa isang adhikain. Mga layunin natin ay nagkakatulad tungo sa isang mithiin at iyon ang kaunlaran hindi lamang sa aspetong pang-ekonomiya ngunit sa lahat ng aspeto ng buhay tulad ng sa larangan ng edukasyon, pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan at marami pang iba.  Bilang paunang hakbang sa pagbabago, sinimulan ng Association of South East Nations (ASEAN) isang samahan ng mga bansa sa Timog-Silangang

ISPORTS

Imahe
------------------------------------------------------ Regu B namayagpag kontra Regu A ni Jay Capuras Lumalagablab na opensa at depensa ang naging armas ng Regu B upang makamit ang panalo sa matindi nitong karanasan kontra Regu A, 2-1 sa kanilang Sepak Takraw exhibition match sa ginanap na Regional Schools Press Conference kasabay ang mainit na panahon sa Don Carlos A. Memorial National High School, ika-10 ng Disyembre. Pinangunahan ni kapitan, Roy Subing-subing, ang Regu B na humakot ng 23 puntos at dalawang blocks para maungusan ng Regu B ang Regu A sa matindi nilang salpukan at maibulsa ang panalo. “Tatag lang ng loob at pananalig sa sarili at koponan magiging maganda ang kalabasan ng laro,” ayon kay Subing-subing, na hinirang best player. Naging agresibo sa unang set ang Regu B matapos ipinamalas ang mga dumadagundong na sunback spayks at nag-aapoy na mga headers sa pamumuno ni Subing-subing. Humantong naman sa unforced error ang napupol na opensa