OPINYON
--------------------------------------
- EDITORYAL -
CAMPUS JOURNALISM:
Tulay sa Bagong Buhay
Sa kasalukuyang ginaganap ang Regional School Press Conference (RSPC), binibigyang diin ang kahalagahan ng mga campus journalists sa pagtaguyod ng inklusibong edukasyon sa pamamagitan ng integrasyon sa ASEAN. Sa ibang salita, ang campus journalism ang magsisilbing tulay patungo sa mas maganda at bagong buhay nating mga Pilipino.
Isa sa mga pangunahing priyoridad ng integrasyon sa ASEAN ang pagbibigay ng inklusibong edukasyon. Ang mga campus journalists ay may malaking papel sa pagsulong nitong komprehensibong edukasyon para sa lahat. Ang campus journalism ay parang isang laboratoryo kung saan napapabuti ang functional literacy o ang kakayahan ng tao sa pagbasa, pagsulat, pagiging malikhain at pag-isip ng kritikal. Ito ang nagmumulat sa mga mag-aaral na maging isang instrumento sa paglago ng ating bansa.
Ngunit ano ba talaga ang papel ng mga campus journalists sa pagbibigay ng bagong buhay sa mga Pilipino?
Ang mga campus journalists ay may malaking potential sa pagdadala ng pagbabago. Sila ay nakakatulong sa pagpapalaganap ng impormasyon at mga problemang hinaharap ng ating bayan. Ang hakbang na ito ay isang paraan upang makatulong sa pagsagot sa mga nasabing suliranin dahil sa pamamagitan nito maraming tao ang makakaalam sa mga problemang dapat lutasin at marami rin ang makakapag-isip ng mga posibleng solusyon upang malutas ito.
Sa pagiging isang aktibong campus journalist, tayo ay nakapagdudulot ng pagbabago dahil ito ang wawasak sa hadlang ng kamangmangan at ito rin ang mag-uugnay sa atin sa ibang komunidad, bansa at sa buong mundo. May kakayahan ang mga campus journalists na magkombinsi at magbigay inspirasyon sa ibang tao upang mas mapabuti at mas maging matiwasay ang ating pamumuhay.
Totoong ang campus journalism ay ang tulay patungo sa pagbabago. Mararamdaman lang natin ang nasabing pagbabago kapag tayong lahat ay may alam at may pakialam para sa ating bayan. Ito ang pagbabago na siguradong makakamtan natin kapag tayo ay magtutulungan at magkakaisa patungo sa ating layunin na mas malagong bansa.
Ikaw, paano ka gagawa ng tulay patungo sa bago at mas maunlad na Pilipinas?
--------------------------------------------------------
Dengvaxia: Lunas o Malas?
Isang malaking isyu ngayon sa Pilipinas ang tungkol sa bakuna na ipinamimigay ng Department of Health (DOH). Umabot sa humigit kumulang 2.9 bilyong piso ang nagastos ng DOH para sa pagbili at pamimigay ng Dengvaxia, ang pinaniniwalaang lunas sa paglobo ng bilang ng kaso ng dengue sa Pilipinas. Ngunit imbes na maging lunas, ito ay naging isang malaking malas sa ating bansa.
Maraming negatibong epekto ang isyung ito. Ang pinakamalaking epekto nito ay ang kalusugan ng mga batang naturukan na hindi pa nagkakadengue. Binababa ng Dengvaxia ang lebel ng immune system ng mga nasabing bata at magiging mas malala ang kanilang sakit kapag sila ay magkakaroon na ng dengue.
Nagmistulang malaking eksperminto ang nangyayari ngayon sa ating bansa. Ang DOH at ang Sanofi, ang kompanyang gumagawa ng Dengvaxia, ang may malaking pananagutan dito. Sila ang dapat sisihin sa pagkakaroon ng suliraning ito. Hindi nila sinuri ng maiigi ang produkto bago nila ito ipinamigay sa publiko. Hindi inalam ng DOH ang mga side effects ng nasabing gamot at higit sa lahat, hindi binigyang babala ng Sanofi ang DOH tungkol sa mga posibleng masamang epekto nito.
Hindi lang sa kalusugan may epekto ang isyung ito kundi pati na rin sa pera ng ating bayan. Malaking pera ang nagastos at nasayang dahil sa bakunang ito.
Sa palagay ko, ang kasakiman para sa pera ang puno’t dulo ng problemang ito. Maaaring ang Sanofi ang gahaman sa pera dahil hindi nila sinabi ang buong impormasyon tungkol sa Dengvaxia na para bang ang kanilang tanging layunin lang ay ang pagbebenta ng kanilang produkto at wala na silang pakialam kung ano ang magiging epekto nito sa mga mamamayan. Posible rin na ang mga tao sa gobyerno, lalo na ang mga pinuno ng DOH, ang may kapusukan sa pera dahil minadali nila ang pag-aproba at pamimigay ng nasabing gamot kahit wala itong wastong pagsusuri. Ito ay isang paraan upang makapangurakot ang mga tao sa gobyerno. Ngunit, malaki rin ang posibilidad na ang DOH at ang Sanofi ay nagtulungan upang sila ay makapagnakaw sa kaban ng bayan.
Ang gamot na inaasahang lunas sana sa isang problema sa ating bansa ay naging malas sa isang iglap. Maganda sana ang intensyon ng ating pamahalaan ngunit dahil sa maling pamamalakad at kawalan ng katapatan, ang intensyong ito ay biglang naitapon.
Sana sa mga susunod na hakbang ng ating pamahalaan, tayo ay magiging mas mapagmatyag at masusi. Dapat siguraduhin ng ating gobyerno ang kaligtasan ng mga mamamayan at kung talagang epektibo ang mga bibilhin nilang produkto. Dapat tayong mga mamamayan ay magkaroon ng kamalayan tungkol sa mga nangyayari sa ating bansa at dapat tayong lahat ay magkaroon ng kooperasyon at malasakit upang ang lunas ay hindi na muling magiging malas.
titanium bmx frame
TumugonBurahinTitaniumBMS titanium build Frame. The ultimate build in solid titanium construction. Includes a titanium legs 2-piece frame design, titanium pan a titanium wood stove dual blade design with $17.99 · mens titanium rings In stock