BALITA

SDS DAGATAN,   IPINALIWANAG ANG KAHALAGAHAN NG DYORNALISMO SA INCLUSIVE EDUCATION

ni JR. Arnold Ygay 

“It is our hope that you can promote inclusive education through campus journalism.”

Ito ang pahayag ni Cebu City Schools Division Superintendent Dr. Bianito Dagatan sa ‘mini press conference’ ng Collaborative Desktop Publishing Region VII na may temang “Embracing ASEAN Integration: Campus Journalists Role in Advancing Inclusive Education”.

“The theme mentioned about inclusive education and campus journalism, prove to the world that the outputs of the campus journalists will reflect the kind of education given to you,” sabi ni Dagatan.
Idiin din ni Dagatan ang kahalagahan ng dyornalismo. Ayon pa sa kanya ang dyornalismo ay isang paraan upang mahasa ang potensyal ng mga batang manunulat.

 "No man is an island. Meaning we are a border-less community. We embrace ASEAN so that nobody will be left behind. In inclusive education it means education for all, meaning there’s no poor and there’s no rich, there’s no Christian and there’s no Muslim."

“Journalism will also develop campus journalists not just reading and writing skills but also their  critical thinking and creativity,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, binigyang linaw ni Dagatan kung ano ang kahalagahan ng Association of South East Asian Nation (ASEAN) sa ‘Inclusive Education’ at ano ang layunin nito.

Samanatala, pinaalalahanan din ni Dagatan ang mga batang manunulat sa kanilang obligasyon. “I hope that you can perform your task. We rely on your capabilities to persuade others to embrace change,” sabi niya.

Binati ni Dagatan ang lahat ng campus journalist at binansagan ang mga ito ng “catalyst of change”


⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼⎼

Kaso ng dengue sa Cebu, bumaba.

ni #JRAY

Lumiit ang kaso ng dengue sa Cebu  ayon kay DepEd Emergency Rescue Responder Bernard Son.
Kung ikokompara ang tala ng 2012 sa kasalukuyan, bumaba ng mahigit 500 ang kaso ng dengue sa Cebu

Aniya, isa ang nasabing syudad sa may pinakamaraming kaso ng dengue na naitala sa Region VII sa taong 2012. Base tala ng DOH na kanyang ginawan ng bidyo, umabot ng hanggang 5,698 ang kaso ng dengue sa syudad at 21 ang patay sa nasabing taon.

“School authorities with the help of Local Government Unit (LGU) combats mosquitoes at its most vulnerable state. That’s why nga karun we only have at least 600 cases of dengue,” sabi ni Son.

Ipinaliwanag rin ni Son ang kahalagahan ng 4 o’clock habit at ayon pa sa kanya epiktibo raw ang ‘anti-mos’ na ipinamimigay ng LGU sa mga paaralan at komunidad.

Samantala, binigyang linaw ni Son ang kontrobersyal na Dengvaxia na ipinamimigay umano sa mga paaralan. Aniya, ang naturang vaccine ay hindi “School-based kundi Community-based”.

Ipinahayag naman niya na hanggang ngayon ay wala paring eksaktong lunas ang dengue virus.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

OPINYON

ISPORTS